Deadline sa pagbabayad ng buwis sa Navotas, pinalawig pa

Deadline sa pagbabayad ng buwis sa Navotas, pinalawig pa

February 8, 2022 @ 1:42 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Nilagdaan ni Navotas City Mayor Toby Tiangco ang City Ordinance No. 2022-06 na nagbibigay ng karagdagang extension sa deadline ng pagbabayan ng business tax ng mga mamamayan ng lungsod.

Ayon sa alkalde mula Enero 3, kasalukuyang taon ginawa na itong Pebrero 15, 2022 para mas magkaroon ng panahon ang ating  taxpayers na makapagbayad ng kanilang buwis.

Sa nilagdaan ordinansa ay puwede ring magbayad ng buwis sa https://online.navotas.gov.ph/ o sa Business One-Stop Shop, online payment.

Ito ay bukas ng Lunes-Biyernes, dakong alas-8:00 umaga hanggang alas-8:00 ng gabi at Sabado-Linggo, 8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Nauunawaan ng lokal na pamahalaan ang kagipitan at paghina ng ilang mga negosyo sa lungsod dulot ng covid-19 kung saan apektado ang kita ng mga negosyon sa lungsod.(R.A Marquez)