Dear Uge, sibak na sa ere, hindi umalagwa sa rating!

Dear Uge, sibak na sa ere, hindi umalagwa sa rating!

January 2, 2022 @ 9:18 AM 8 months ago


Manila, Philippines – Nothing is permanent on television.

Ito ang kasabihan which holds water at maaaring sapitin ng anumang programa of whatever genre, nagre-rate man ito o hindi.

Blame it on the changing tastes of the viewers.

Hindi rin ligtas dito ang weekly program ni Eugene Domingo na Dear Uge which premiered on February 2016.

In her Instagram post nitong December 31, malungkot na ibinahagi ng TV host/comedienne na hanggang buong January sa lang ang nasabing programa.

Balitang hindi makaalagwa ang Dear Uge, ratings-wise. Sa katunayan, May last year nang mag-reformat ito sa pag-aasang aarangkada ang rating nito, but to no avail.

Gayunpaman, nagpapasalamat si Uge na nalampasan ng programa ang maraming pinagdaanang pagsubok.

Sa tailend ng kanyang post, Uge expressed optimism: “Happy new year and happy new beginnings.”

In lieu of Dear Uge, sana’y bumalik sa ere ang Celebrity Bluff which Eugene used to host. Ronnie Carrasco III