Death benefits sa disaster personnel, pinasasabatas ni Mark

Death benefits sa disaster personnel, pinasasabatas ni Mark

September 30, 2022 @ 11:39 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Naghain ng isang panukalang batas si Senador Mark A. Villar na naglalayong gawing institusyunal ang pagbibigay ng death benefits sa lahat ng community disaster personnel na ipinakakalat tuwing may kalamidad.

Sa pahayag, sinabi ni Villar, layunin ng Senate Bill No. 1354 o ang “Disaster Personnel Death Benefit Act” bigyan ng angkop na kumpensasyon ang pamilya ng rescuer na namatay sa pagtupad ng tungkulin tuwing may kalamidad.

“In every disaster, the lives of our rescuers and volunteers will always be at risk. No amount of compensation will be ever sufficient for the families left behind in case of loss of life during the performance of their duties. The bravery and heroism of these selfless individuals should be duly recognized,” ayon kay Villar.

Nitong Setyembre 25, 2022, dinurog ng bagyong Karding ang malaking bahagi ng Central Luzon na nagdala ng malakas na hangin at maraming ulan na lubhang nakaapekto sa North at Southern Luzon kabilang ang Metro Manila.

Base sa ulat ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), limang (5) rescuers ang ipinadala sa isang rescue operation, ngunit hingop sila ng matinding pagrasa ng bahay na kanilang ikinamatay sa Barangay Kamias, San Miguel, Bulacan.

Nakilala ang limang bayaning nagbuwis ng buhay upang magligtas ng iba na sina George Agustin, Troy Justin Agustin, Marby Bartolome, Jerson Resurreccion, and Narciso Calayag.

“I am deeply saddened to know that we lost five good men during the onslaught of Super Typhoon Karding, words are not enough to express my grief. We never want any life to be sacrificed in the name of duty, I sincerely thank and honor them. Their heroism, courage, and bravery will live in our memory forever,” ayon kay Villar.

Dahil dito, inihain ni Villar ang naturang panukala upang mabigyan ng sapat na tulong ang pamilya ng namatay na rescuer habang tumutupad sa kanilang tungkulin sa pagtugon sa kalamidad, sakuna at kagipitan.

Ipinaliwanag pa ni Villar sa panukala na naglalayong gawing institusyunal ang death benefits sa rescuer sa naulilang pamilya kahit ano pa an ang kanilang kalagaan sa gobyerno, regular, casual, contractual, job order, on voluntary work.

“I was surprised knowing that these rescuers were casual workers even though serving in the government. We have to do something about this current situation of our rescuers. Sila ang maaasahan natin sa pagresponde sa mga kalamidad at kaagapay ng gobyerno sa pagsisiguro na ligtas ang mga mamamayan, kaya dapat sila ay protektado at hindi natin sila dapat biguin.” ayon Mark Villar.

“Once passed into law, the amount equivalent to one-half (½) month of the last salary multiplied by the number of years of service of the community disaster personnel, but shall not be less than One Hundred Thousand Pesos (Php 100,000.00) shall be given to the surviving family of the deceased community disaster personnel,” ayon sa panukala

“As a country who has suffered calamity and being one of the most disaster-prone countries, this case only highlights the need to have a proactive disaster preparedness response to minimize loss of life, property damage, and economic losses caused by natural disasters”, giit ni Villar. Ernie Reyes