Death penalty bill binuhay sa Kamara

Death penalty bill binuhay sa Kamara

August 24, 2022 @ 8:10 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Muling inihain kahapon sa House of Representatives ni Surigao del Norte Rep Robert Ace Barbers ang panukalang batas na nagsusulong na ibalik sa bansa ang parusang kamatayan.

Dinepensahan ni Barbers ang pagsusulong ng pagpataw ng death penalty para sa mga heinous crimes bilang “strongest deterrent” laban sa mga karumal-dumal na krimen.

“Crimes disturb the order of society. The death penalty is the strongest deterrent society has against such crimes. It aims to restore order and adequately punishes criminals.

The death penalty also serves as retribution for victims and their families,” paliwanag ni Barbers sa paghahain ng House Bill 1543.

Ayon kay Barbers nais ng bansa na maiwasan ang nagaganap na heinous crime at isa sa paraan para mangyari ito ay pairalin muli ang death penalty, giit ng solon, kung ang mga nasa likod ng karuml dumal na krimen ay makikitang nahahatulan ng parusang kamatayan ay tiyak na magdadalawang isip na ang mga kriminal na gumawa ng krimen dahil buhay nila ang magiging kapalit.

Umaasa si Barbers na susuportahan sya ng mga kapwa mambabatas sa pagpasa sa panukala, aniya, ang usapin sa death penalty ay hindi lamang usapin na dapat umikot sa Kongreso kundi dapat hingin din ang sentimyento ng publiko sa isyu.

Nang hingan ng reaksyon ay hindi naman sinabi ni  Marikina Rep Stella Quimbo kung pabor o tutol ito sa panukala, ani Quimbo sakali man na maisabatas ang panukala ay dapat lamang na hindi maging anti poor.

“Kung magiging batas ito, dapat hindi maging anti-poor dahil ang mga mahihirap nating kababayan ay walang access sa magandang depensa. Baka ang mangyari eh in the end, puede silang maging biktima ng hindi tamang pamamalakad,” paliwanag ni Quimbo. Gail Mendoza