Death penalty is a must!

Death penalty is a must!

July 17, 2018 @ 7:28 AM 5 years ago


 

Sa mga nangyayaring operasyon ng Pambansang Pulisya (PNP) laban sa iligal na droga, mukhang lalo pang naghahamon ang mga nasa likod nito at hindi matapos-tapos ang bilang ng mga nahuhuli na tulak at users.

Hindi maganda ang nangyayari. Imagine, araw-araw ay yaon at yaon ang dami ng nahuhuli pero bakit nga ganyan? Tila ba naghahamon ang mga druglord at mga tulak laban sa gobyerno? Gaano ba sila kata­tag?

Nakalulungkot din dahil ‘yung ibang nahuli ay pumiyok na kung saan galing ang stock nila at umamin din kung bakit malalakas ang loob nila. Aba, matitindi pala ang backers nila. Mga pulis at politiko mismo?  Punyeta!

Nagtatanong tayo dahil may nagsasabi na ang ilan sa mga “amo” ng mga tulak ay ‘yun mismong ilan sa mga naka­kulong sa New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa?

Ibig bang sabihin, mismong si dating PNP Chief Ronald “Bato” dela Rosa na siya ang pinuno ng Bureau of Corrections ay nasasalisihan pa rin? Why?

Batay sa mga nangyayari, dapat nang kumilos ang mga mambabatas natin at alisin sa utak nila ang “awa” sa usapin ng iligal na droga!

Tama na ‘yung pagkukunwari na kayo ay makadiyos at makatao. Naninira, puma­patay ang iligal na droga!

Do your job. Ibalik ang DEATH PENALTY para matapos na at matigil na ang ano­mang distribusyon ng droga sa buong bansa.

Kung totoo na kayo ay nag-aalala sa mga kababayan natin, sa lakas na panghahawa ng iligal na droga, masisira ang mamamayan lalo na ang mga kabataan.

Hindi ninyo tinutulungan sa pagpapanumbalik ng DEATH PENALTY si Pangulong RODRIGO ROA DUTERTE kundi ang bansa at taumbayan mismo! Kayo ang sagabal sa pagbabago!

Hangga’t maaari ay huwag na kayong makialam pa sa pulitika bagaman politiko kayo. Unahin ninyo ang mas maha­lagang tungkulin ninyo. Gumawa ng batas o kaya ay mag-amyenda na tutugon sa kai­langan ng mamamayan at bansa natin.

DEATH PENALTY is a must now and forever. Hindi lamang ito laban sa malalaking drug courier at druglord but also to smugglers of all sorts na sumi­sira sa ating ekonomiya, plunderers at matataas na uri ng krimen.

Oras na. Dapat ay maging praktikal kayo sa kailangan ng bansa at taumbayan.

Kapayapaan, seguridad, edukasyon, kaalaman para umunlad ang bayan. Gawin na ninyo ang nararapat na batas. DEATH PENALTY IS A MUST!!!

-BALETODO