Death penalty kalusin-Pope Francis

Death penalty kalusin-Pope Francis

October 11, 2022 @ 9:23 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Muling nanawagan si Pope Francis para i-abolish ang parusang kamatayan o death penalty.

Ginawa ng Santo Papa ang panawagan sa pagdiriwang ng World Day Against the Death Penalty.

“I call on all people of goodwill to mobilize for the abolition of the death penalty throughout the world,” sinabi ni Francis sa kanyang Twitter page.

“Society can effectively repress crime without definitively depriving the offenders of the possibility of redeeming themselves,” dagdag pa ni Francis.

Ang Papa ay nagsalita laban sa death penalty sa buong panahon ng kanyang pontificate at noong 2018 ay tinawag itong “inadmissible” habang iginigiit ang paninindigan ng Simbahan sa parusang kamatayan.

Sa pagtatapos ng nakaraang taon, 108 bansa ang nagtanggal ng parusang kamatayan para sa lahat ng krimen, ayon sa Amnesty International.

Hindi bababa sa 579 katao ang pinatay noong nakaraang taon sa 18 bansa, ayon sa pinakahuling ulat ng Amnesty na inilathala noong Mayo, na tumaas ng 20 porsiyento mula sa nakaraang taon.

Higit sa kalahati sa kanila ay Iran.

Kabilang sa mga pinakahuling bansang nagwakas sa parusang kamatayan ay ang Equatorial Guinea, Malawi, Kazakhstan at Sierra Leone. Jocelyn Tabangcura-Domenden