Death penalty sa durugista, mandarambong muling isusulong ni Go

Death penalty sa durugista, mandarambong muling isusulong ni Go

June 5, 2022 @ 10:15 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Handa si Senador Christopher “Bong” Go na muling ihain ang batas na magbabalik sa parusang death penalty sa mga kasong may kinalaman sa ilegal na droga at pandarambong sa susunod na Kongreso.

Matatandaang isinulong ni Go ang Senate Bill No. 207, na naglalayong muling ibalik ang death penalty, noong Hulyo 2019.

Subalit, nabigo namang maipasa ang nasabing batas sa 18th Congress.

“We can file it again if we want. Itong SB 207, reinstating the death penalty for certain heinous crimes involving dangerous drugs and plunder,” ayon kay Go sa isang panayam.

Aniya, ang muling pagbabalik ng capital punishment ay alinsunod sa kampanya ni Pangulong Duterte laban sa illegal drugs.

Sinabi pa ni Pangulong Duterte na ang nasabing batas ay makapagdi-discourage ng criminal activities.

“Pag hindi takot yung tao sa mga awtoridad makokorap na naman, balik ang droga, balik ang kriminalidad. Sayang po yung inumpisahan ni Pangulong Duterte,” dagdag na pahayag ng senador.

Sa ilalim ng panukalang batas, ang pandarambong o illegal acquisition ng yaman ng isang public officials na nagkakahalaga ng P50 milyong piso ay may kaparusahan na kamatayan.

Kasama rin sa batas ang “importation, distribution, and possession of dangerous drugs, cultivation of illicit narcotic plants, and unlawful prescription of dangerous drugs in the list of drug-related crimes.”

iginiit din ng senador na ang kampanya laban sa ilegal na droga ay “improved peace and order in the country” at “flourished businesses in the communities.”

“Napatunayan naman po in the last six years, tingnan ninyo mas nakakalakad po ang inyong mga anak pauwi sa inyong bahay na hindi nababastos at hindi nasasaktan. Dahil po iyan sa ginawa ng Administrasyong Duterte,” ayon kay Go. Kris Jose