Death penalty vs corrupt officials isinulong

Death penalty vs corrupt officials isinulong

August 1, 2020 @ 2:16 PM 4 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Isinusulong ng isang opisyal na parusahan ng death penalty ang mga mapatutunayang korap na opisyales.

Ayon kay Commissioner Greco Belgica ng Presidential Anti-Corruption Commission, dapat ding itrato bilang heinous crime ang korapsyon.

“It should be treated as heinous crimes, kailangan po natin mailagay sa batas na ibalik ang death penalty for drug-related cases. Also sunod itulak ay patawan ng kamatayan ang mga nai-involve sa corruption,” lahad ni Belgica.

“Corruption talaga po is as bad as murder and as bad as drugs dahil ang effect po ay perpetual. When you institutionalize corruption through law, buong bayan po naghihirap and minsan mas madali mamatay kahit mahirap mabuhay ‘di ba?” dagdag pa nito.

“Kaya kailangan pinapatay po ‘yan, ang mga corrupt kailangang mapatay po ‘yan after of course investigation. ‘Yung mga tao, corrupt na tao sa gobyerno habang nandiyan sila naghihirap ang libo-libong tao.” RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...