Death row cases tatalakayin nina Bersamin, Cabinet members sa Biyernes

Death row cases tatalakayin nina Bersamin, Cabinet members sa Biyernes

January 10, 2023 @ 6:40 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Inihayag ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan “Toots” Ople nitong Martes na magkakaroon ng pulong upang talakayin ang death row cases sa ibang bansa.

Sinabi ni Ople na magko-convene si Executive Secretary Lucas Bersamin ng pulong kasama ang ibang kalihim.

“Just as an fyi, on Friday, the Executive Secretary will be convening a meeting. To be present in that meeting are the Secretary of Labor, Secretary of Foreign Affairs, myself, and of course the ES, to discuss transitional matters. For example, ‘yung nga mga death row cases,” paglalahad ni Ople.

Ito ang tugon ni Ople sa mga tanong hinggil sa hiling na executive clemency para kay Mary Jane Veloso, isang Pinay na nakulong dahil sa drug trafficking at hinatulan ng death penalty sa Indonesia noong 2010. RNT/SA