Death threat vs Ed Lingao, Lourd de Veyra iniimbestigahan na ng PTFOMS

Death threat vs Ed Lingao, Lourd de Veyra iniimbestigahan na ng PTFOMS

October 14, 2022 @ 12:11 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Iniimbestigahan na ng Presidential Task Force On Media Security (PTFOMS) ang death threats na natanggap nina TV5 journalist Ed Lingao at anchor Lourd de Veyra na idinaan pa sa social media.

Sinabi ni OPS Officer-in-Charge (OIC)Undersecretary Atty. Cheloy Velicaria-Garafil, nakipag-usap na ang PTFOMS kina Lingao at de Veyra para sa kaligtasan at seguridad ng mga ito.

Ang OPS ang nagsisilbing co-chair ng PTFOMS, kasama ang Secretary of Justice.

Sa kabilang dako, pinaalalahanan naman ng PTFOMS ang lahat ng journalists, broadcasters, at media practitioners na kagyat na i-report ang anumang insidente ng pagbabanta o harassment upang agad na masusing maimbestigahan.

“It must be stressed that the PTFOMS does not tolerate any incident of threat or violence committed against journalists and it is compelled to act immediately on every incident. The State response to such complaints is both immediate and immense. All are given utmost importance,” ayon sa PTFOMS.

Ang PTFOMS ay isang inter-agency task force na nilikha alinsunod sa Administrative Order No. 1 – Series of 2016 na mayroong mandato na bantayan ang media freedom sa pamamagitan ng pagbibigay proteksyon sa buhay, kalayaan at seguridad sa mga miyembro ng mga mamamahayag. Kris Jose