Deboto ng Santo Nino pinadadalo ng misa sa online

Deboto ng Santo Nino pinadadalo ng misa sa online

January 14, 2022 @ 11:55 AM 7 months ago


Manila, Philippines – Hinikayat na dumalo sa misa sa online ang mga deboto ng Santo Nino lalo pa at nalalapit na ang kapistahan nito.

Kaugnay nito, suspendido ang lahat ng aktibidad.

Naunang inanunsyo ng Archdiocesan Shrine of Santo Niño de Tondo at Santo Niño de Pandacan Parish sa Maynila ang pagkansela ng pampublikong Eucharistic celebrations sa Enero 16.

Inabisuhan na rin ang lahat na maaaring magtungo sa kinauukulang Facebook page para sa anunsyo at misa.

Habang ang Pandacan Church ay magkakaroon ng livestream na misa sa ganap na 6:30 am, 7:30 am, 9 am, 3:30 pm, 5 pm, at 6 pm sa kanilang FB page na https://www.facebook.com/stoninoparishpandacan/.

Gayundin ang misa sa Tondo Church ay ieere mula 5 a.m. hanggang 11 a.m., at  4 p.m. hanggang 7 p.m. sa kanilang FB page: https://www.facebook.com/stoninodetondoparish/.

Magkakaroon naman ng tatlong misa ang Tondo Church sa Enero 15 sa ganap na 4 p.m., 5:30 p.m., at 7 p.m. RNT/FGDC