Debris ng Cessna plane nadiskubre malapit sa Mayon

Debris ng Cessna plane nadiskubre malapit sa Mayon

February 19, 2023 @ 3:36 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Natagpuan sa paanan ng Bulkang Mayon ang posibleng debris mula sa nawawalang Cessna RPC340 nitong Linggo ng umaga, Pebrero 19.

Ang debris na ito na nakuhanan sa pamamagitan ng camera, ay nasa paanan ng Mayon sa bayan ng Camalig, Albay.

Ayon kay Mayor Carlos Irwin Baldo Jr., ang debris ay nakasampay sa puno na makikita sa larawan na kinunan ng isang volunteer gamit ang digital single-lens reflex (DSLR) camera bandang 10:30 ng umaga.

Hanggang nitong 11:42 ng umaga, nasa 256 na responders, 12 drone at apat na K9 dogs ang ipinakalat sa mga komunidad ng Anoling at Quirangay.

Nitong Sabado ng umaga, napaulat na nawawala ang nasabing eroplano na umalis sa Bicol International Airport at nawalan na ng komunikasyon sa BIA tower. RNT/JGC