Debris ng eroplano lumutang sa E. Samar

Debris ng eroplano lumutang sa E. Samar

August 9, 2020 @ 2:13 PM 3 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nakatagpo ng maraming mahiwagang aircraft debris sa aplaya ng Eastern Samar umaga ng Huwebes.

Sa naantalang ulat ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), sinabing maraming debris ang nakuha ng mga residente ng mga bayan ng Mercedes at Guiuan sa Eastern Samar.

Ang unang debris ay nakita sa isang resort sa Anuron Beach, Mercedes, Eastern Samar umaga ng Agosto 6 bandang 7:50.

Ang may kalakihan umanong mga debris ay kinailangang pagtulungan ng maraming lalaki upang maibyahe.

Dakong hapon, mga 3 kilometro ang layo sa unang kinakitaan ng debris ay nadiskubre ng mga mangingisda ng  Barangay Taytay, Guiuan, Eastern Samar ang panibagong aircraft debris sa aplaya nakaharap sa Pacific Ocean.

Ang mga CAAP personnel mula sa Tacloban at Guiuan Airport, kasama ang lokal na PNP, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) K9 unit, at mga kinatawan ng Mercedes local government unit (LGU) ay bumisita na sa lugar, samantalang nasa pangangalaga na ng  Philippine Coast Guard (PCG) ang hull-shaped aircraft debris.

Samantala, sa ulat ng Philippine Aeronautical Rescue Coordination Center (PARCC) ay wala namang naipaulat na nawawalang aircraft sa sakop ng flight information region (FIR) ng Pilipinas at mga karatig na FIRs.

Sa inisyal na ulat ay walang binanggit na kaugnayan ang mahiwagang aircraft debris sa bumagsak na eroplano sa India noong isang araw. Dave Baluyot


  •  
  •  
  •  

Loading...