Debris ng hinihinalang Chinese rocket natuklasan sa Mindoro

Debris ng hinihinalang Chinese rocket natuklasan sa Mindoro

November 9, 2022 @ 1:35 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na may nakuhang metallic debris sa bisinidad baybayin ng Calintaan,Occidental Mindoro.

Ayon sa PCG, Nobyembre 7 nang iniulat ni Roderick Fabie, residente ng Barangay Poblacion, Calintaan na may isang grupo ng lokal na mga mangingisda ang umuwi habang hinihila ang metallic debris patungong pampang.

Agad namang nagtungo ang PCG at PNP sa lokasyon upang maberipika ang ulat.

Sa lokasyon, nakumpirma ng mga awtoridad ang presensya ng hindi bababa sa anim na metrong haba ng naturang debris na kulay puti at pakurba ang hugis.

Sa kasalukuyan, sinabi ng PCG na hindi pa alam kung saan nanggaling ang naturang debris na patuloy na iniinspeksyon.

Hinala naman ng iba na bahagi ito ng Chinese rocket dahil sa nakitang Chinese character sa nakuhang debris. Jocelyn Tabangcura-Domemden