Debris ng nawawalang Cessna plane namataan sa Divilacan Isabela

Debris ng nawawalang Cessna plane namataan sa Divilacan Isabela

January 29, 2023 @ 4:02 PM 2 months ago


DIVILACAN, ISABELA-Patuloy na nagsasagawa ngayon ng search and rescue ang Incident Management Team o IMT matapos muling may mamataas na pinaniwalaan dibumano na debris o bahagi ng nawawalang Cessna 206 plane sa bahagi ng bulubundukin sa Barangay Sapinit in Divilacan, Isabela.

Ayon kay Isabela Provincial Information Office Administrative Officer Joshua Hapinat na mayroon namataan ang IMT kung kayat agad nagtungo sa ngayon ang mga search and rescue team na binubuo ng kapulisan, sundalo, bombero, MDRRMO ng Divilacan, Maconacon, Palanan, PDRRMO-Isabela at DENR maging ang ilan pamilya ng limang nawawala na sakay ng nasabing eroplano sa naturang lugar.

Sa ngayon, meron akong na-receive na information as of 6:45 a.m., ‘yung mga tao daw po malapit du’n sa 25-kilometer malapit sa Ilagan-Divilacan Road, may na-spot daw po sila na object that could be a wreckage na po sa mountain side near du’n sa Sapinit,” dagdag na pahayag ni Hapinat.

“Hindi pa detailed ang nasabi but it could be a wreckage po.” dagdag na pahayag.

Nitong Biyernes, Enero 27 unang may namataan na isang puting bagay sa bahagi ng Barangay Dicaruyan, Divilacan, Isabela ngunit hindi naabot ng mga IMT dahil sa maulap, masukal at zero visibilty sa kalawakan maging ground search.

Ayon kay PDRRMO head  Atty. Constante Foronda ito rin ang pinagbatayan nila sa nakuhangbimpormasyon ng isang magsasaka sa lugar kung saan ay narinig niya na mayroon dumaan na eroplano sa naturang bahagi ng bulubundukin ng bahagi ng Barangay Dicaruyan.

Maging ang mga Agta community ay tumulong na rin sa ground search sa Cessna plane RPC 1174 na may sakay na anim na katao kabilang piloto sa Barangay Sapinit.

Kaugnay nito ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ay nakipag-ugnayan na rin sila sa Hong Kong Mission Control Center (HKMCC) at Japan Mission Control Center (JAMCC) para sa isasagawang search and rescue operations.

Samantala, ayon kay Divilacan MDRRMO Engr. Ezikiel Chavez, maulap, maulan at mahangin pa rin ngayon sa kabundukan sa nasabing lugar.

Gayunman, nag-deploy pa rin sila ng iba’t-ibang grupo para hanapin ang nawawalang eroplano, maliban sa kanilang grupo mula sa MDRRMC, nag-deploy rin ang Barangay Dicaruyan ng kanilang mga tauhan.

Umaasa ang pamilya ng mga nakasakay na nawawalang cessna 206 plane na mahanap na ngayon matapos na may mamataan na bagay sakaling tuloy-tuloy ang magandang panahon. Rey Velasco