Debt-to-GDP ratio ng Pinas ibababa sa 51.2% sa 2028-PBBM

Debt-to-GDP ratio ng Pinas ibababa sa 51.2% sa 2028-PBBM

September 20, 2022 @ 9:12 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – “We will reduce the government debt-to-GDP ratio to below 60% by 2025 and further down to 51.2% by the end of my term in 2028.”

Ito ang binigyang diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang naging talumpati sa New York Stock Exchange.

Ayon sa Pangulo, maaaring maipagpatuloy ng Pilipinas na maibaba ang halaga ng public debt, lalo na ngayon na ang ekonomiya ay “returning to normalcy.”

“Although our borrowings substantially increased during the pandemic, we continue to reduce the cost of our public debt through judicious debt management,” ayon kay Pangulong Marcos.

Ang mababang debt-to-GDP ratio ay nagpapakita ng mas maayos na produksyon ng sapat na economic output para bayaran ang mga utang.

Batay sa pigura ng Bureau of Treasury, ang outstanding debt ng bansa ay pumalo na sa 62.1% ng ekonomiya ” as of end-June.”

Ang rate a ito ay mas mababa kumpara sa naitalang 63.5% debt-to-GDP ratio para sa first quarter, pinakamataas simula taong 2005.

Sa pagtatapos ng Hulyo, unang buwan sa ilalim ng administrasyong Marcos, ang kabuuang outstanding debt ng bansa ay tumaas ng ₱12.89 trillion.

“This represents an increase of ₱96.09 billion or 0.8% above the previous high of ₱12.79 trillion set by the Duterte administration in June and an 11% increase over the debt tallied in the same month in 2021,” ayon sa ulat. Kris Jose