Dec. 26 idineklarang ‘special non-working day’

Dec. 26 idineklarang ‘special non-working day’

December 23, 2022 @ 7:00 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Idineklara ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Disyembre 26, araw ng Lunes, ngayong taon bilang special non-working day sa buong bansa.

Layon nito na bigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na magdiwang ng Kapaskuhan kasama ang kanilang pamilya at mahal sa buhay.

Ang deklarasyon ng Pangulo ay base sa Proclamation No. 115.

“A longer weekend will encourage families to get together and strengthen their relationship towards a more productive environment, and will promote tourism,” ang nakasaad sa proklamasyon.

Ipinag-utos din nito sa Department of Labor and Employment (DOLE) na magpalabas ng kaukulang circular para ipatupad ang proklamasyon sa pribadong sektor.

Ang araw ng Pasko ay pumatak sa araw ng Linggo, ipinagdiriwang bilang regular holiday.

Nauna rito, nagpalabas ang Malakanyang ng listahan ng regular holidays at special non-working days para sa 2023, layon nito na payagan ang “long weekends” sa bansa.

Ang Proclamation 90, ipinalabas noong Nov. 11, inamiyendahan ang Proclamation 42, nagdedeklara ng regular holidays at special non-working days.

Sa ilalim ng Proclamation 90, “Jan. 2, 2023, which falls on a Monday, will be an additional special non-working day in consideration of the Filipino tradition of visiting relatives and spending time with their families for this occasion.”

Ang Enero 1, 2023 ay isa ng regular holiday sa ilalim ng Proclamation 90. Kris Jose