Decarbonization ng industriya sa net-zero target, pabibilisan ng DENR

Decarbonization ng industriya sa net-zero target, pabibilisan ng DENR

February 27, 2023 @ 5:41 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nais isulong ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagpapabilis ng decarbonization ng mga industriya sa bansa.

Kaugnay nito, nangako ang Pilipinas na mabawasan ang greenhouse gas emissions ng 75 percent sa 2030 sa ilalim ng Nordic-Philippine Climate Executive Dialogue habang ipinangako din nito ang paglimita sa global warming ng mas mababa sa 2°C na nasa ilalim naman ng Paris Agreement of the United Nations Framework Convention on Climate Change.

Bunsod nito naglabas na rin kamakailan ang DENR ng Implementing Rules and Regulations (IRR) para sa Extended Producer Responsibility Act of 2022, na nag-aatas sa malalaking kumpanya na magkaroon ng mekanismo para sa tamang pamamahala ng plastic packaging waste.

Gayundin, kabilang na dito ang transisyon sa shipping sector patungo sa alternatibong pagkukuhanan ng langis.

Layunin ng DENR na mabawasan ang mga ibinubugang polusyon ng mga pabrika sa bansa. Santi Celario