December 2022 Aeronautical Engineers Licensure Exam kasado sa paper, pencil test – PRC

December 2022 Aeronautical Engineers Licensure Exam kasado sa paper, pencil test – PRC

December 10, 2022 @ 12:30 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong Biyernes na isasagawa ang December 2022 Aeronautical Engineers Licensure Examination (AELE) sa pamamagitan ng Conventional Paper and Pencil test.

Iniba ito mula sa unang inanunsyo na Computer-Based December 2022 AELE.

“For queries and concerns, please email Licensure Office at [email protected],” ayon sa komisyon.

Inabisuhan din ng PRC ang examinees na i-check ang official website para sa updates.

Nitong Setyembre, ni-reschedule ng PRC ang AELE mula Nov. 15 hanggang 17 sa Dec. 14 hanggang 16.

Natapos ang deadline sa pagpapatala para sa exam noong Nobyembre 14. RNT/SA