Cha-cha gugulong na sa Kamara

January 26, 2023 @8:48 AM
Views: 86
MANILA, Philippines – Tatalakayin na ngayong araw sa House Committee on Constitutional Amendments ang deliberasyon nito sa kontrobersiyal na Charter Change (Cha-cha).
Noon pang nakaraang taon sinimulan ng panel sa pamumuno ni Cagayan de Oro City 2nd district Rep. Rufus Rodriguez ang pagtalakay sa Cha-Cha ngunit naputol ito dahil sa Christmas break, sinabi ni Rodriguez na ngayong balik-sesyon na muli ang mga mambabatas sa Kamara ay magsasagawa na ang panel ng marathon hearing.
Walong panukala ang nakabinbin sa Kamara na nagsusulong na baguhin ang Saligang Batas, ilan sa isyung pagdedebatihan ng panel ay ang panukalang term extension kung saan isinusulong na ang Pangulo at Pangalawang Pangulo ng bansa ay magkakaroon ng 5 year term at papayagan ang one-time reelection, gayundin ay gagawin nang tandem voting kung saan ang mananalong Pangulo at Pangalawang Pangulo ay galing sa iisang partido.
Sa elective local officials ay gagawing five-year term at papayagan ang 2 beses na reelection.
Pagdedebatihan din kung ang gagawing pagbabago sa Saligang Batas ay sa pamamagitan ng Constitutional Convention o constituent assembly, una nang sinabi ni Rodriguez na mas mainam na gawing constitutional convention upang maalis ang duda ng publiko sa mga ang isinusulong na political amendments o term extension ay para sa pansariling interes ng mga mambabatas.
Bukod sa ilang economic amendments, isa pa sa nais baguhin sa Charter Change ay ang paraan ng pagpili sa Chief Justice, sa halip na ilagay sa Pangulo ng bansa ang kapangyarihan sa pagpili ng Chief Justice ay ang mga mahistrado ng Korte Suprema ang siyang aatasan na pumili ng kanilang magiging leader kung saan 3 pangalan ang isusumite ng Pangulo na sIyang pagpipilian ng mga mahistrado. RNT
Karwahe sa libing nabundol; kutsero, kabayo diretso hukay

January 25, 2023 @10:31 AM
Views: 96
MANILA, Philippines – Direcho libingan na rin ang kutsero at kaniyang kabayo nang mabangga ng isang truck ang kanilang karwahe na may sakay na ataol sa San Nicolas, Ilocos Norte.
Isasakay raw sana sa karwahe ang isang ililibing sa sementeryo nang mabundol ito ng kasunod na truck. Sa lakas ng pagkakabangga, nawasak ang karwahe at agad na nasawi ang kabayo.
Nagawa pang isugod sa ospital ang kutserong kinilalang si Dominador Domingo, 53-anyos, pero pumanaw din kinalaunan.
Sumuko naman sa pulisya ang driver ng truck. RNT
Ika-124 anibersaryo ng 1st PH Republic, gugunitain sa Bulacan

January 21, 2023 @4:36 PM
Views: 165
MANILA, Philippines- Gugunitain ng provincial government ng Bulacan ang ika-124 anibersaryo ng Unang Republika ng Pilipinas sa Lunes.
Ipagdiriwang ang anibersaryo na may temang “Unang Republikang Pilipino: Gabay Tungo sa Napapanahong Pagbabago”, sa Barasoain Church sa City of Malolos mula alas-8 ng umaga.
Sasamahan sina Bulacan Gov. Daniel R. Fernando at Vice Gov. Alexis C. Castro ni District 1 Rep. Danilo A. Domingo bilang honorary guest sa flag-raising at wreath-laying ceremonies.
Sa gitna ng pag-unlad, tiniyak ni Fernando na mananatili sa puso ng mga Bulakenyo ang pagmamahal sa bayn at paggalang sa lalawigan.
“Sa modernisasyon at kaunlarang kinakaharap ng ating lalawigan, nais kong ipinta sa mga puso’t isip ng bawat Bulakenyo ang kahalagahan ng araw ng pagkakatatag ng Unang Republika ng Pilipinas. Ito ay araw ng pagdakila sa ating mga ninuno na inilaban ang demokrasya; ito ay araw ng pagkilala sa lalawigan bilang mahalagang bahagi ng kasaysayan,” anang gobernador.
Dadalo rin sa programa si Bulacan Provincial Police director Col. Relly B. Arnedo; Executive Director Carminda R. Arevalo, officer-in-charge ng National Historical Commission of the Philippines; City of Malolos Mayor Christian D. Natividad, at department heads at ilang empleyado ng provincial government ng Bulacan. RNT/SA
Pagpasok ng paunang 5.7K MT imported na sibuyas aprub sa DA

January 18, 2023 @12:50 PM
Views: 111
MANILA, Philippines – AABOT sa 5,775 metriko tonelada lamang ng inaprubahang 21,060 metriko tonelada (MT) ng sariwang imported na sibuyas ang unang naaprubahan para makapasok sa bansa bago ang peak harvest season, ayon sa Department of Agriculture (DA) nitong Lunes.
Ayon sa DA tanging 142 sanitary at phytosanitary import clearances para sa importasyon ang inisyu mula Enero 9 hanggang 13, sinabi ni DA Undersecretary Mercedita Sombilla sa hybrid hearing ng Senate Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform
“We are hoping po sana, kasi kung 5,000 (metric tons) lang ‘yung darating, makakababa siya ng mga PHP200 to PHP220 . ayon pa sa opisyal.
Iginigiit ng mga lokal na producer ng sibuyas na ang 22,000 metrikong tonelada na orihinal na iminungkahi para sa pag-aangkat ay makakasama sa mga magsasaka.
“Sana ‘yung plano ng Department of Agriculture na mag-isyu na naman ng importation permit para sa 22,000 metric tons, alam niyo po bang ‘yan ang papatay sa amin pong mga magsasaka? “Sana ang plano ng DA, na mag-issue ng another importation permit for 22,000 metric tons (sibuyas), alam niyo ba na papatayin tayong mga magsasaka?)” sinabi ni San Jose Occidental Mindoro Municipal Agriculturist Romel Calingasan sa mga senators.
Kaugnay nito bukod sa dami ng import, nagpahayag si Calingasan ng pagkadismaya sa “wrong timing” ng pag-iisyu ng import order.
Samantala binawasan ng DA ang iminungkahing 22,000 import volume sa 21,060 para “protektahan ang mga lokal na magsasaka”.
Kaugnay nito para sa sariwang pulang sibuyas, 4,525 MT ang inaasahang papasok sa ilang pantalan — 3,875 metriko tonelada sa Maynila; 400 MT sa Davao; at 250 MT sa Subic.
Bunsod nito aabot din sa 1,250 metriko tonelada ng sariwang dilaw na sibuyas ang darating sa Maynila (1,075 MT), Subic at Davao (75 MT bawat isa), at Cagayan de Oro (25 MT).
Nitong Biyernes, ang umiiral na hanay ng presyo ng mga lokal na pulang sibuyas sa Metro Manila ay mula PHP350 hanggang PHP550 kada kilo.
Kaugnay nito pinayuhan din ni Senator JV Ejercito ang DA at Bureau of Customs na sanayin ang kanilang mga baril sa mga big-time smuggler.
Aniya, ang Republic Act 10845 o ang Anti-Agricultural Smuggling Act ay nilagdaan noong 2016 ngunit walang makabuluhang singil ang nakasampa. Santi Celario
PBBM sa Davos: Ekonomiya ng Pinas lalago ng 7% sa 2023

January 18, 2023 @8:02 AM
Views: 147