Defective, roadshow ballots winasak ng Comelec

Defective, roadshow ballots winasak ng Comelec

May 7, 2022 @ 2:30 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Sinimulan ng Commission on Elections (Comelec) nitong Sabado ang pagwasak sa defective at roadshow ballots, dalwang araw bago ang  national at local elections sa Lunes.

Pinangunahan ni Comelec Commissioner George Garcia ang pagwasak sa hindi nagamit o depektibong mga opisyal na balota, roadshow ballots, at iba pang accountable forms sa presensya ng media, political parties, at iba pa sa National Printing Office sa Quezon City.

Sinabi naman ni newly-appointed Comelec spokesperson John Rex Laudiangco na ang kabuuang bilang ng mga winasak na balota ay 933,311.

Binubuo ito ng 586,988 defective official ballots at 346,323 roadshow ballots na ginamit ng Comelec sa voters’ education campaign nito.

Ayon kay Laudiangco, sisirain ang mga naturang balota sa loob ng tatlong araw, walong oras kada araw. RNT/SA