Defense, culture pact lalagdaan sa pagbisita ni PBBM sa Indonesia

Defense, culture pact lalagdaan sa pagbisita ni PBBM sa Indonesia

September 2, 2022 @ 9:10 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Sasaksihan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglagda sa kasunduan sa defense at cultural areas, kasama si Indonesian President Joko Widodo, sa kauna-unahang state visit nito sa Jakarta mula Setyembre 4-6, 2022.

“During the state visit, the two Presidents will witness the signing of several key agreements in the areas of defense and culture,” ayon sa DFA.

“They will also exchange views on major issues affecting the region and the world,” ayon pa rin sa departamento.

Isang pagpupulong naman ang nakatakdang daluhan ni Pangulong Marcos kasama ang mga business leaders sa Jakarta kung saan inaasahan na ipo-promote ng Pangulo ang kalakalan at pamumuhunan para suportahan ang economic agenda ng Pilipinas sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Posible ring talakayin ng Pangulo sa mga Indonesian leaders ang usapin ukol sa overseas Filipino worker na si Mary Jane Veloso na nananatiling nasa death row.

“We will most likely raise this issue with the Indonesian officials and our concerns on this,” ang pahayag ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo sa House panel.

“Just to ensure… that this issue is going to be one of those we will raise during the state visit,” ang pahayag ni Manalo. Kris Jose