Defense ties ng PH, Türkiye palalawakin pa

Defense ties ng PH, Türkiye palalawakin pa

January 11, 2023 @ 2:05 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Target ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na palawakin pa ang military ties nito sa Türkiye.

Ito ay makaraang magpulong si newly appointed AFP chief Gen. Andres Centino at Turkish Ambassador to Manila Niyazi Eyren Akyol matapos ang courtesy call na ginawa nito sa AFP headquarters sa Camp Aguinaldo, Quezon City nitong Martes, Enero 10.

Ani Centino, sa kasalukuyang memorandum of understanding kasama ang Türkiye, sakop lamang nito ang defense industry cooperation, ngunit ang kasalukuyang usapin ay naglalayon na magpalawak pa sa relasyon ng dalawang bansa.

“In their meeting, the CSAFP (Chief of Staff of the AFP) expressed his gratitude for the significant contribution of the government of Turkey to the AFP modernization with the acquisition of the Philippine Air Force Attack Helicopter (AHAP T129) and Philippine Army M113 APC Fire Power Upgrade,” sinabi ni AFP public affairs office chief Col. Jorry Baclor sa isang pahayag.

Samantala, ipinahayag naman ni Akyol ang pangako ng Ankara na patuloy na aagapay sa AFP sa modernization program nito. RNT/JGC