Deklarasyon ng 5 bagong protected areas pinuri ng DENR

Deklarasyon ng 5 bagong protected areas pinuri ng DENR

May 23, 2022 @ 5:32 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Masayang tinanggap ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang batas na nagdaragdag bng limang protected areas sa ilalim ng National Integrated Protected Areas System (NIPAS) para sa kabuuang 112.

Kaugnay nito kamakailan ay nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Republic Act (RA) 11684 o ang Mt. Arayat Protected Landscape Act; RA 11685 o ang Mt. Pulag Protected Landscape Act; RA 11686 o ang Naga-Kabasalan Protected Landscape Act; RA 11687 o ang Tirad Pass Protected Landscape Act; at ang RA 11688 o ang Banao Protected Landscape Act.

Dahil sa pagsasabatas ng bagong protected areas, naniniwala si DENR Acting Secretary Jim O. Sampulna na “more people are realizing the importance of placing biologically important areas under the intensified protection of the Expanded NIPAS Act of 2018.”

“We welcome these recent developments in additional protected areas from our legislators. May this be the impetus of further environmental protection in more biologically important and related conservation areas,” saad ni Sampulna.

Magugunitang noong 2018, ang RA 7586 o ang NIPAS Act of 1992 ay inamiyendahan ng RA 11038 o ang E-NIPAS Act dahilan upang maitatag ang 94 protected areas sa ilalim ng System.

Samantala, pinaalalahanan naman ni DENR-Biodiversity Management Bureau (BMB) Director Natividad Bernardino ang komunidad at ang local government units na malapit sa “concerned sites” na makipagtulungan sa DENR para mapanatili ang pamamahala at epektibong administrasyon ng mga bagong protected areas.

Ayon sa DENR ang may potensiyal na akbitong ‘stratovolcano’ na Mt. Arayat Protected Landscape ay matatagpuan sa Pampanga habang ang Mt. Pulag Protected Landscape na isang ‘dormant’ volcano ay matatagpuan sa pagitan ng mga probinsiya ng Benguet at Ifugao.

Matatagpuan naman sa Mindanao, ang Naga-Kabasalan Protected Landscape, na isang ‘parcel of land’ na may malawak na taniman ng mangroves ay nasa pagitan ng mga bayan ng Naga at Kabasalan sa Zamboanga Sibugay.

Ang Tirad Pass Protected Landscape ay isang historically important landmark sa Ilocos Sur kung saan dito nakilala ang kabayanin ni Gen. Gregorio del Pilar noong 1899 Philippine-American War.

Samantala, ang Banao Protected Landscape sa Kalinga ay nabuo sa pagsasanib ng Balbalasang-Balbalan National Park at Banao watershed area at ang lugar kung saan namamahay ang Banao tribe. Santi Celario