Deklarasyon ng tagumpay ng Pinas vs COVID masyado pang maaga

Deklarasyon ng tagumpay ng Pinas vs COVID masyado pang maaga

February 5, 2022 @ 12:00 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Wala pang balak ang Malakanyang na ideklara ang pagkapanalo ng bansa laban sa coronavirus (COVID-19) pandemic.

Ang katwiran ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, marami pang tao sa bansa ang hindi pa nababakunahan.

Ang pahayag na ito ni Nograles ay kasunod ng ulat na ang Kalakhang Maynila, epicenter ng infections, ay nasa moderate risk na ngayon.

Ani Nograles, hindi pa ito ang tamang panahon para ideklara ang pagkapanalo ng Pilipinas laban sa pandemiya.

Nauna rito, inanunsyo kasi ng Malakanyang ang pagpapaluwag sa COVID-19 restrictions sa bansa partikular na ang kamakailan lamang na pagbabago sa protocols para sa  returning overseas Filipinos at arriving foreigners.

“Maaga pa rin para magdeklara ng lubos na tagumpay kontra COVID-19.”

Matatandaang sinabi ng World Health Organization (WHO) na “It is premature for any country to declare victory.” Kris Jose