Del Rosario, ikaw ang traydor! – Roque

Del Rosario, ikaw ang traydor! – Roque

July 12, 2021 @ 3:11 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Ikaw iyon.

Ito ang buweltang tugon ni Presidential spokesperson Harry Roque sa akusasyon ni dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario na “traydor” si Pangulong Rodrigo Roa Duterte dahil di umano’y may impluwensiya ang bansang China sa 2016 Philippine elections para siguraduhing maupo ang Chief Executive bilang halal na Pangulo ng bansa.

Kapansin-pansin din ani del Rosario na pilit na paghuhulma ni Pangulong Duterte ng “closer ties” sa China kapalit ng tulong at investments habang madalas na pagbira sa US policies at pagkastigo sa mga kritisismo ng Estados Unidos sa anti-drugs crackdown ng pamahalaan.

“Mr. del Roario if you want to talk about who the real traitor is. Ikaw iyon. Ikaw ang namigay ng teritoryo sa Tsina,” ayon kay Sec. Roque.

“Mangilabot ka naman sa mga sinasabi mo. Ikaw diyan ang namigay ng teritoryo eh. Mahiya ka sa sarili mo. Mahiya ka sa buong bansang Pilipinas ,” gigil na pahayag ni Sec. Roque.

Sinabi pa ni Sec. Roque na isang malaking “kalokohan” ang akusasyon ni del Rosario na tinraydor ni Pangulong Duterte ang bansa.

“Kalokohan po ‘yan coming from a proven traitor,” ani Sec. Roque sabay paalala na si del Rosario ang nagbigay ng kautusan sa mga sundalong filipino na lisanin ang Scarborough Shoal sa kasagsagan ng standoff ng bansa sa Beijing.

“Siya po ang nagpaalis sa ating mga kasundaluhan sa boro na naging dahilan na ang Tsina na lang ang natira sa boro,” aniya pa rin.

Sa kabilang dako, nakiisa naman si Sec. Roque sa mga abogado at ibang grupo na pag-aralan ang legal liability ni del Rosario nang isuko nito ang Scarborough shoal sa China.

“at ikaw habang hindi ka makapagpakita ng teritoryo na ibinigay ni Presidente sa ibang bansa manahimik ka diyan dahil eh ikaw nga ang may pananagutan dyan,” diing pahayag ni Sec. Roque.

DEDMA naman ang Malakanyang sa nagin pahayag ni Vice-President Leni Robredo na bigo ang Duterte administration na igiit ang arbitral win para sa interest ng bansa.

Binigyang diin ito ni VP Leni matapos manalo ang Pilipinas laban sa China sa isyu ng West Philippine Sea.

Sinabi ni Robredo na walang ginawa ang gobyerno para ipagpalaban ang arbitral win ng bansa sa lahat ng mga forum na maaari itong igiit.

Binatikos din ni Robredo ang pamahalaan sa pagtalikod sa alyansa na sana’y makakatulong paa ma protektahan ang mga karapatan ng bansa sa WPS at pagsuko sa mga nambu-bully sa Pilipinas sa isyu ng territorial waters nito.

Nawalan na rin aniya ng hanapbuhay ang mga mangingisdang Pilipino sa mga lugar sa WPS. Kris Jose