Del Rosario, Raagas kampeon sa IronKids

Del Rosario, Raagas kampeon sa IronKids

October 23, 2022 @ 11:31 AM 1 month ago


SUBIC, Philippines — Hinirang na kampeon sina Fil-Am Peter del Rosario at Celinda Raagas matapos mangibabaw sa premier 13-14 division ng IronKids Philippines Subic Bay.

Nalampasan ni  Del Rosario ang kanyang karibal sa pamamagitan lamang ng 22 segundo sa 400m-swim, 8km-bike, 3km-run event ng prestihiyosong triathlon.

Unang nalagay ang Laguna star, na naging 13 taong gulang noong nakaraang buwan, na fourth sa  opening swim leg si Red Reyes sa 05:35 ngunit ginamit niya ang kanyang napakahusay na riding skills para manguna sa bike stage sa 17: 03 bago magdesisyon sa closing run part sa 13:33 para sa kabuuang clocking na 36:11.0.

Pumapangatlo sa paglangoy (06:23), si Raagas, isang Grade 9 student sa Columban College sa Olongapo, ay nanalasa sa bisikleta (19:57) bago nagpakawala ng panibagong blistering run (16:19) upang muling maghari sa 42:39, tinalo. Si Zebelle Eugenio, na nanguna sa paglangoy sa 06:10 ngunit nag-time ng 20:50 sa bike bago natapos sa 19:32 sa pagtakbo para sa kabuuang orasan na 46:32.

Nagbunyi angdalawa sa kanilang panalo.JC