Dela Rosa ‘di sang-ayon sa fraternity ban

Dela Rosa ‘di sang-ayon sa fraternity ban

March 1, 2023 @ 6:25 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Hindi sang-ayon si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sa pagbabawal sa mga fraternity.

Ang pahayag na ito ng senador ay kasunod ng pagkamatay ng isang estudyante sa hinihinalang fraternity hazing.

“Sana mag-statute [‘yung school] ng additional measures na mabantayan ‘yung bawat estudyante na hindi mabiktima sa hazing,” pahayag ni Dela Rosa sa Kapihan sa Manila Bay forum nitong Miyerkules, Marso 1.

“I am not for banning fraternities but siguro ‘yung fraternities themselves should police their ranks and the school administration is very crucial [to guard the students]… The police cannot be around everywhere,” dagdag pa niya.

Sa kabila na hindi pabor si Dela Rosa sa fraternity, nilinaw naman niya na hindi siya pabor sa hazing.

“Hindi tayo pwedeng maging pro-hazing. Buhay ang nakataya diyan,” aniya.

Sa usapin naman ng hazing law, sinabi ng senador na “maximized” na ang batas at hindi na kailangan ang pag-amyenda rito.

“Maximized na ‘yung hazing law talaga. Andiyan na lahat, nilagay na lahat. Dapat maging proactive na lang siguro,” sinabi pa niya.

Nitong Martes, Pebrero 28, natagpuan ang bangkay ni John Matthew Salilig, chemical engineering student mula sa Adamson University, na naiulat na nawawala isang linggo na ang nakararaan na nagtamo ng 70 palo sa initiation rites na isinagawa ng Tau Gamma Phi fraternity. RNT/JGC