Dela Rosa handa sa ICC drug war probe

Dela Rosa handa sa ICC drug war probe

January 27, 2023 @ 6:51 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – “I am ready.”

Ito ang sinabi ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa nitong Biyernes, Enero 27 makaraang ianunsyo ng International Criminal Court na magpapatuloy na ang imbestigasyon sa brutal na drug war ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kung saan namuno ito sa Pambansang Pulisya nang panahong iyon.

“I have no more fears. You can go ahead whatever you want. I am ready. Whatever happens, my life, my future is dependent to the decision of this government,” pahayag ni Dela Rosa sa panayam ng ANC.

Anang Senador, inasahan niya na na magpapatuloy ang imbestigasyon para rito.

“If the Philippine government would cooperate, then I am a part of the Philippine government, so I will cooperate,” sinabi pa ng Senador.

Kung ipatatawag siya ng ICC pre-trial chamber o kaya naman ay magbibigay ng warrant of arrest, sinabi ni Dela Rosa na tatanggapin niya ito.

“Kung magkakaroon ako ng warrant, sabihin ng Philippine government, ‘Okay, i-surrender natin si Bato dun sa International Criminal Court. Ipakulong natin ito sa The Hague.’ Anong magagawa ko? That’s the government’s decision,” aniya.

“Kahit na magtatago ka, if you are wanted by the Philippine government, there’s no way you can hide. Kilalang-kilala ako kaya hindi ako puwede makapagtago,” dagdag niya. RNT/JGC