Dela Rosa humingi ng tawad sa leftist remark kay Legarda

Dela Rosa humingi ng tawad sa leftist remark kay Legarda

November 11, 2022 @ 10:02 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Humingi ng tawad si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa kay Senate President Pro Tempore Loren Legarda tungkol sa leftist remark niya nitong Huwebes, Nobyembre 10.

Matatandaan na nasabi ito ni Dela Rosa kasabay ng plenary discussion ng Senado sa budget ng Komisyon ng Wikang Filipino kung saan kinwestyon niya ang mga di-umano ay subersibong mga aklat na inilalathala nito.

Sa naturang pagdinig, sinabi ni Dela Rosa ang mga katagang: “Naintindihan ko, si Madam Loren is on the left of the spectrum. Ay, saan ka pala, sa gitna?”

“Ma-left ka o ma-right, wala akong problema. Center? O wala akong problema,” hirit pa niya.

Hindi naman narinig ang tugon ni Legarda sa mga sinabing ito ni Dela Rosa.

Kalaunan ay huming ng tawad ang Senador sa mga nasabi niya dito.

“I would like to move that my statement a while ago stating that our colleague, Senator Loren Legarda, is the left of center be stricken out from records. I apologize to my colleague. I just wanted to make that example na dito sa Senado, whether sa kaliwa ka o sa kanan, walang problema ‘yan basta nagkakaisa tayo,” paghingi niya ng paumanhin.

Idiniin naman ni Dela Rosa na nais lamang niyang mapigilan ang mga subersibong libro na makarating sa mga kabataan. RNT/JGC