Dela Rosa pabor sa pag-aresto sa ICC officials na magpupumilit pumunta sa Pinas

Dela Rosa pabor sa pag-aresto sa ICC officials na magpupumilit pumunta sa Pinas

February 2, 2023 @ 5:20 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pabor si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na arestuhin ang mga opisyal mula sa International Criminal Court (ICC) kung sila ay magpupumilit na pumasok sa bansa para isagawa ang imbestigasyon sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“If they insist on coming here and conduct investigation, that is a clear intrusion into our sovereignty,” sinabi ni Dela Rosa sa panayam ng CNN Philippines.

Aniya, walang sovereign power ang ICC sa bansa makaraan ang withdrawal ng Pilipinas sa Rome Statute noong 2019.

Ito ang naging tugon ni Dela Rosa nang tanungin kung ano ang masasabi niya sa pahayag ni Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile nitong Lunes, Enero 30 na kung siya ang masusunod, nais niya umanong ipaaresto ang mga taga-ICC na pupunta sa bansa.

Sumasang-ayon din ang senador sa sinabi ni Duterte na isang insulto sa bansa ang imbestigasyon ng ICC.

Ani Dela Rosa, mismong ang ICC ay lumalabag sa principle of complementarity sa ilalim ng Rome Statute.

Ayon sa Legal Information Institute ng Cornell Law School, “The principle of complementarity is implemented by the ICC through Articles 17 and 53 of the Rome Statute, it provides that a case is inadmissible before the ICC if it is currently under investigation by a state with jurisdiction over it.”

Nagbibigay ito sa ICC jurisdiction sa mga kaso “when the state is unable or unwilling to proceed with an investigation or where the state investigation is conducted in bad faith such as when it is used to shield the person from criminal responsibility.”

Inulit din ni Dela Rosa na may umiiral na justice system sa bansa at maging ang mga hukuman na isinasagawa na ang imbestigasyon tungkol sa naturang isyu.

“Who the hell are they to impose their standards on us? We have our own laws, we have our own courts that are functioning, we have our own prosecution, and we have our own judicial system that is perfectly and very robustly functioning,” aniya.

“Anong tingin nila sa bansa natin? Hindi tayo marunong mag-deliver ng justice?” dagdag ng senador.

Hindi pa nagkakausap si Dela Rosa at Duterte tungkol sa isyung ito kung saan ang huli nila ay noon pang Disyembre.

Kung bibigyan din ng pagkakataon, nais niyang makipag-usap kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay ng ICC probe. RNT/JGC