Dela Rosa sa US: Siguruhing ‘di iiwan ang Pinas sa panahon ng sigalot

Dela Rosa sa US: Siguruhing ‘di iiwan ang Pinas sa panahon ng sigalot

November 22, 2022 @ 8:02 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – “Dapat we can get the assurance from them na talagang all out sila sa atin pagdating sa kagipitan. Pagdating ng kagipitan dapat di tayo iiwan.”

Ito ang naging komento ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ukol sa paggiit ni US Vice President Kamala Harris na tutulong ang Estados Unidos sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagpapagana ng mutual defense treaty kapag nagkaroon ng kaguluhan sa South China Sea.

“Kailangan sigurado tayo. Mahirap na ‘yung we will be left in the cold when the situation arises,” giit pa ni Dela Rosa.

Although he said that Harris’ visit to the Philippines was an “indicator” that the US was here for the Philippines, Dela Rosa hoped that the ties with the superpower would not be “one-sided.”

“I hope the relationship is mutual. Dapat hindi one-sided. Hindi gamitan kundi mutual. Tulungan tayo. Kung ano ang nakalagay sa ating mutual agreement, ay paninindigan nila yon at talagang totohanan ang kanilang suporta kung kinakailangan natin. Maniguro lang tayo,” dagdag pa ng senador.

Noong 1951, nilagdaan ng Pilipinas at ng mga gobyerno ng US ang MDT.

Ang Artikulo V ng nasabing kasunduan ay nagsasaad na “an armed attack on either of the Parties is deemed to include an armed attack on the metropolitan territory of either of the Parties, or on the Island territories under its jurisdiction in the Pacific Ocean, its armed forces, public vessels or aircraft in the Pacific.”

Dumating si Harris sa Maynila noong Linggo ng gabi. Siya ay nakatakdang bumisita sa Puerto Princesa, Palawan ngayong Martes kung saan inaasahang magpahayag siya ng kahalagahan ng internasyonal na batas at kalayaan sa paglalayag sa South China Sea. RNT