Delayed release ng voters’ list walang epekto sa Halalan 2022 – Comelec

Delayed release ng voters’ list walang epekto sa Halalan 2022 – Comelec

February 7, 2022 @ 6:45 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) sa publiko na hindi makakaapekto ang delay sa certified voter’s list ng Eleksyon 2022 sa darating halalan.

“Hindi naman po,” ani Comelec Director III of the Education and Information Department Atty. Ellaiza Sabile-David sa Laging Handa briefing.

 “So kailangan pong linisin at kinakailangan na ma-delay ang paglabas ng voters’ list. Marami pa pong prosesong pagdadaanan [ito],” paliwanag pa nito.

Karamihan aniya sa mga botante ay nasa edad 30 hanggang 59.

Kung pagbabasehan ang Comelec Resolution 10965, ang pagbabahagi ng certified list ng voters ay nakatakda bukas, Pebrero 8.

Ngunit noong Enero 26, iniusod ito sa Marso 29.

Sinabi naman na ang delay ay dahil sa “delivery of the continuous forms, A4 papers, and toners needed by the field offices in the printing of [Posted Computerized Voters Lists] and [Election Day Computerized Voters Lists] printing by the Information Technology Department.”  RNT/FGDC