Delegasyon ni PBBM nagpasalamat sa OFWs sa US

Delegasyon ni PBBM nagpasalamat sa OFWs sa US

September 19, 2022 @ 8:56 AM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Pinasalamatan ni House Speaker Martin G. Romualdez ang Filipino community at overseas Filipino workers (OFWs) sa malaking ambag at kontribusyon sa ekonomiya ng Pilipinas.

Ipinarating ito ni Romualdez sa pakikipagpulong ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Sa mga OFWs at New Jersey Performing Arts Center sa Newark, New Jersey.

Binigyang-diin pa ng mambabatas na ang mainit na pagtanggap at suporta ng OFW sa Estados Unidos ay “certainly serve not only as an inspiration to our President but also an affirmation of the overwhelming mandate he carries.”

Nauna rito ay nagpahayag si Romualdez ng pag-asa na katulad ng biyaheng Indonesia at Singapore ni Pangulong Marcos ang pagtungo nito sa Estados Unidos ay magiging mabunga din upang maging kapaki-pakinabang sa mga Pilipino.

Si Romualdez ay kabilang sa delegasyon ng Pilipinas na kasama ni Pangulong Marcos na nakatakdang dumalo sa 77th United Nations (UN) General Assembly sa New York City.

Ayon sa mambabatas, buo ang kanyang tiwala na magiging matagumpay ng biyahe ng Pangulo gaya aniya ng naging pagdalaw nito Indonesia at Singapore na nagresulta sa mahigit $14 bilyong halag ng suplay at investment mula sa mga negosyanteng Indonesian at Singaporean.

β€œI expect the US visit to reap a lot of benefits for our country and the more than four million Filipinos and Filipino-Americans living or working in America,” ani Romualdez.

Ang biyaheng ito aniya sa US ay posible ring pagkunan ng investments nananatili aniyang magka-alyado ang dalawang bansa– ang Pilipinas at Estados Unidos.

Bukod pa aniya dito na ang US ang may pinakamalaking remittances ng overseas Filipino workers (OFWs) at Filipino-Americans.

β€œThey contribute a significant part to the amount of foreign exchange our country and economy need each year, and especially this year when we are recovering from the crippling COVID-19 pandemic.”

Sa pinakahuling ulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang remittances ng mga Filipino mula sa ibang bansa ay tumaas ng 2.3 porsyento na ngayon ay umaabot na sa $3.17 bilyon nitong July kumpara noong July 2021 na umabot sa $3.17 bilyon.

Pumapangalawa sa Estados Unidos na may pinakamalaking cash remittances ay ang Singapore, at Saudi Arabia kasunod ang Japan, United Kingdom, United Arab Emirates, Canada, Taiwan, Qatar, at South Korea

Sa forecast ng BSP ang remittances mula sa ibang bansa ay posibleng umangat ng 4 porsyento sa taong ito. Meliza Maluntag