Deleter, humakot ng awards; Family Matters, naka-isa!

Deleter, humakot ng awards; Family Matters, naka-isa!

December 28, 2022 @ 11:15 AM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Disappointed ang marami dahil isang tropeo lang ang napanalunan ng Family Matters sa katatapos na Gabi ng Parangal ng 48th Metro Manila Film Festival na ginanap sa New Frontier sa Cubao, Quezon City nitong Martes, dalawang araw matapos magbukas sa mga sinehan ang walong opisyal na kalahok.

Tanging Gatpuno Antonio J. Villegas award ang naiuwi ng Family Matters na hinulaan pa manding hahakot ng maraming awards.

Tinanghal na Best Actress si Nadine Lustre para sa pelikulang Deleter, at Best Actor naman si Ian Venefacion para sa Nananahimik ang Gabi.

Sina Nadine at Ian din ang tinanghal na Stars of the Night.

Best Supporting Actor si Mon Confiado whose acting ay pinuri ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Si Dimples Romana naman ang tinanghal na Best Supporting Actress para sa My Father, Myself.

All in all ay pitong awards ang nakamit ng Deleter ng Viva Films kabilang ang Best Director para kay Mikhail Red.

First Best Actress trophy ang napanalunan ni Nadine.

Same goes for Ian who got his first Best Actor award sa loob ng almost 40 years sa showbiz.

Nagsilbing hosts ng parangal ay mga Viva artists na sina Giselle Sanchez, Cindy Miranda at BB Gandanghari.

Inanunsyo na ng pamunuan ng awards night na walang mga magtatanghal na performers to make the affair “short and sweet.”

As of this writing, nangunguna pa rin sa takilya ang Partners in Crime tampok sina Vice Ganda at Ivana Alawi.

Nitong ikatlong araw ng simultaneous showing, nag-ikot si Vice Ganda sa mga sinehan sa Pampanga at Tarlac kung saan dinumog sila ng mga moviegoers.

Pumapalo naman ang Deleter at inaasahang mauungusan nito ang iba pang pelikula dahil sa dami ng nakuha nitong award.

Magtatapos ang 10-day MMFF sa January 3 next year. Ronnie Carrasco III