Deliberasyon ng 2023 badyet sa Kamara patapos na

Deliberasyon ng 2023 badyet sa Kamara patapos na

September 26, 2022 @ 3:45 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Malapit nang matapos ang plenary debates sa proposed P5.268 trilyon 2023 national budget.

Ito ay makaraang umabot na sa 76% ng lahat ng ahensya ng pamahalaan ang natapos na ang deliberasyon ng kanilang mga panukalang badyet sa pagsisimula nito noong nakaraang linggo.

“The schedules and the flow of the plenary discussion have been executed flawlessly by our team of deputies in the Rules Committee and the Committee on Appropriations,” ani House Majority Leader Manuel Jose Dalipe sa isang pahayag.

Ngayong linggo, sunod nang bubusisiin ng Kamara ay ang proposed 2023 budget ng mga ahensya katulad ng Department of Tourism, Department of Trade and Industry, Department of Foreign Affairs, Office of the President at iba pang ahensya. RNT/JGC