Deliberasyon ng MIF sa Senado, umarangkada!

Deliberasyon ng MIF sa Senado, umarangkada!

February 1, 2023 @ 11:34 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Sinimulan na sa Senado ang debate sa kontrobersyal na Maharlika Investment Fund bills nitong Miyerkules.

Tinalakay ng Senate committee on banks, financial institutions and currencies, sa pangunguna ni Senator Mark Villar ang Senate Bill No. 1670 at House Bill No. 6608, mga panukalang naglalayon ng paglikha ng pondo.

Si Villar, kaalyaado ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang naghain ng Senate version ng panukala.

Nauna nang inihayag ng senador na dapat aprubahan ang panukala “for the achievement of the country’s economic goals.”

Kabilang sa mga pagkukunan ng seed money para sa Maharlika Investment Fund ang Land Bank of the Philippines, Development Bank of the Philippines, at ang declared dividends ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Nakalusot na ang bersyon ng Kamara sa panukala bill sa lower chamber noong Disyembre 2021.

Kabilang sa principal sponsors ng House Bill No. 6608 ang anak ng Pangulo na si Ilocos Norte 1st District Representative Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos at pinsan niyang si House Speaker Martin Romualdez. RNT/SA