Deliberasyon sa appointment ni Lotilla bilang DOE chief, muling naantala

Deliberasyon sa appointment ni Lotilla bilang DOE chief, muling naantala

December 6, 2022 @ 6:36 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Sa ikalawang pagkakataon, sinuspinde ng Commission on Appointments Committee on Energy ang deliberasyon sa ad interim appointment ni Energy Secretary Raphael Lotilla.

Iminungkahi ni SAGIP Rep. Rodante Marcoleta sa CA panel na ituloy ang deliberasyon sa appointment ni Lotilla sa Miyerkules dahil marami pa umano siyang policy questions sa Energy chief.

“There’s still a length of policy questions that’s why I am conferring with the chairman kung puwedeng bumalik na lang si Secretary bukas kung puwede siyang ma-accommodate,” ani Marcoleta.

Ikinasa naman ni CA Majority Leader Luis Raymund Villafuerte ang opisyal na mosyon upang suspendihin ang hearing na inaprubahan ng CA panel.

Nitong nakaraang linggo, sinuspinde ng CA Committee on Energy ang hearing sa appointment ni Lotilla dahil sa kakulangan ng oras. RNT/SA