Delivery charges ‘di pasok sa senior, PWDs discount-DSWD

Delivery charges ‘di pasok sa senior, PWDs discount-DSWD

July 17, 2022 @ 2:49 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Nilinaw ng Department of Social Welfare and Development sa mga lolo’t lola at PWDs dahil hindi kasama ang delivery fees mula sa discounts na ipinagkakaloob sa kanilang mga online transaction.

Sinabi ni DSWD Assistant Secretary Rommel Lopez na ang discounts na ipinagkakaloob sa  senior citizens at PWDs para sa kanilang online transactions ay para lamang sa basic commodities at essential goods at services.

Sinasabing may ilang ahensiya ng pamahalaan ang nagpalabas ng isang joint memorandum circular na nagsasaad na “granted senior citizens and differently-abled individuals a 20 percent discount, as well as an additional 8 percent value-added tax (VAT) exemption, for online purchases, phone calls, and mobile applications.”

“Hindi po naka-itemize ‘yung delivery charges para sa mga binibiling produkto online,” ayon kay Lopez.

Paglilinaw naman ni Lopez, hindi kasama sa discounts ang medisina at medical supplies na bibilhin ng Department of Health, at maging ang professional fees ng mga doktor, dental services, diagnostic at laboratory fees sa private hospitals, medical facilities, outpatient clinics at home healthcare services.

“To avail of their discounts, senior citizens or PWDs must declare to the merchant, prior to the placement of orders, that he or she is a senior citizen or a person with disability, and provide the necessary documents, such as the scanned copy or screenshot of ID and the front and last page of the purchase booklet,” ayon sa ulat.

“They can avail of the discount on the purchase of the said items not exceeding P1,300 per calendar week, in online and offline transactions, and without carryover of the unused amount,” ayon pa rin sa ulat

Gayunman, sinabi ni Lopez na ang P1,300 limit ay hindi naman saklaw sa mga restaurants.

Sa kabilang dako, sinabi ni Lopez na maaaring bawiin ang produkto o hilingin sa mga lolo’t lola at mga PWDs na bayaran ng buo ang kanilang binili kapag nabigong makapagpakita ng kanilang IDs.

“The joint memorandum circular made sure that senior citizens will be provided assistance, at the same time that businesses will be protected. As we all know, all were affected by inflation and the rise in crude prices,”ayon kay Lopez. RNT