Delivery ng AstraZeneca sa bansa inaasahan ngayong linggo – WHO

Delivery ng AstraZeneca sa bansa inaasahan ngayong linggo – WHO

February 24, 2021 @ 7:13 AM 2 days ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Minamadali na ng World Health Organization ang pagpapadala ng bakuna sa COVID-19 ng AstraZeneca sa ilalim ng COVAX facility, ayon sa isang opisyal nito.

Sinabi ni WHO Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe na inaasahan niyang bago matapos ang linggong ito ay darating na ang nasa 9.2 milyong doses sa bansa.

“What we are now looking at is accelerating delivery of AstraZeneca vaccines, at least a part of that shipment, to the Philippines,” ayon pa sa WHO official.

Sa bakuna naman ng Pfizer, sinabi niyang bagamat nagkaroon ng delay at sigurado naman umano ang dating nito sa bansa.

Dapat sanang matanggap ng Pilipinas ang 117,000 doses ng Pfizer-BioNTech vaccines nitong Pebrero, pero dahil sa kakulangan ng indemnification law ng Pinas ay nabalam ang pagdating sa bansa.

Samantala, ang iba pang bakuna kabilang ang Sinovac at Sinopharm ay ini-evaluate ng WHO. Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •