Delivery ng bivalent COVID vax sa Pinas mababalam

Delivery ng bivalent COVID vax sa Pinas mababalam

March 14, 2023 @ 5:28 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Magkakaroon ng kaunting pagkaantala ang delivery ng bivalent COVID-19 vaccines sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH).

Una nang inahayag ng Kagawaran ang unang batch ng target na bakuna ay darating sa pagtatapos ng buwan ngayong Marso.

Binanggit ni DOH officer-in-charge, ang expiration ng state of calamity sa Disyembre 31 ay magbibigay ng immunity sa kaligtasan at kinakailangan ng mga manufacturer at donor.

Aniya, ito ang hinihingan ngayon ng guidance mula sa Office of the President kung makakapsok sa kasunduan na may ganitong immunity mula sa pananagutan at mga indemnification clauses.

Ayon sa DOH, target na mabigyan ng unang batch ng bivalent vaccines ang mga healthcare workers at senior citizens.

Sa press briefing, sinabi ni Vergeire na ang mga eligible ay kailangang may unang booster.

Sinabi pa ni Vergeire na tuloy-tuloy ang programa ng DOH sa monovalent vaccines at ang darating na bivalent vaccines ay uunahin ang mga vulnerable kaya walang masasayang na bakuna. Jocelyn Tabangcura-Domenden