Delivery room, OR, ICU ng Ospital ng Sampaloc sarado hanggang Hulyo 15

Delivery room, OR, ICU ng Ospital ng Sampaloc sarado hanggang Hulyo 15

July 8, 2021 @ 11:07 AM 1 year ago


Manila, Philippines –  Lilimitahan muna ang pagtanggap ng mga pasyente sa Ospital ng Sampaloc sa lungsod ng Maynila dahil sa pagsasagawa ng installation ng negative pressure system sa delivery room, operating room at intensive care unit ng pasilidad kaya kailangan munang isara ang bahagi na ito ng ospital.

Paliwanag ni Dr. Aileen Lacsamana, director ng Ospital ng Sampaloc, upgrade ito ng kanilang COVID-19 ward para magkaroon ng ICU capability para sa moderate at severe cases.

Sinabing maaagapan nito ang hawahan sa mga pasyente, sa mga watcher nila at maging medical staff.

Mayroon din itong kontrol sa negative pressure ang pagdaloy ng hangin para hindi ito lumabas papunta sa non-contaminated area.

Itinakda ang pansamantalang pagsasara bandang alas-8 ng umaga na tatagal hanggang alas-8 rin ng umaga ng Hulyo 15.

Nakikipag-ugnayan na ang iba pang ospital sa lima pang district hospitals sa Maynila para tanggapin ang mga pasyenteng hindi muna matatanggap sa Ospital ng Sampaloc.  RNT/FGDC