Delta variant 97% mas nakakahawa – eksperto

Delta variant 97% mas nakakahawa – eksperto

July 22, 2021 @ 8:20 AM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Inihayag ng isang infectious disease expert na 97% na mas nakakahawa ang Delta variant kumpara sa original strain ng COVID-19.

Ayon kay Dr. Rontgene Solante, pinuno ng adult infectious diseases unit sa San Lazaro hospital sa Maynila, ang viral load sa Delta variant ay tinatayang 1,260 beses na mas mataas kaysa sa ibang strain.

“It produces more virus compared to other variants of concerns,” dagdag niya.

Aniya, ang isang taong tinamaan ng nasabing variant ay maaaring makahawa ng hindi bababa sa apat hanggang walong indibidwal.

“[That] has been documented in Australia where one was infected by the Delta variant just by walking past an infected person [during] five to 10-second encounter,” ani Solante.

Sa kabila nito, tiniyak ni Solante na lahat ng COVID-19 vaccines na mayroong emergency use authorization (EUA) sa bansa ay epektibo laban sa COVID variants.

“To get over [with] the Delta variant, we continue to proceed with our vaccination rollout. Because all vaccines at this moment are still working and will work against this variant of concern.”

Epektibong panlaban din aniya laban sa Delta variant ang mga istratehiyang test-trace-isolate programs, border control, at tamang bentilasyon.

Pinaalalahanan din ng eksperto ang publiko na umiwas sa mga super-spreader event. RNT


  •  
  •  
  •