Delta variant kalat pa rin – health experts

Delta variant kalat pa rin – health experts

December 6, 2021 @ 12:23 PM 10 months ago


MANILA, Philippines – Nananatiling kalat pa rin ang strain ng COVID-19 na Delta variant sa kabila ng banta ng Omicron.

Ito ang lumabas sa pag-aaral ng mga eksperto.

Dahil dito, hinihimok ng mga pamahalaan sa iba’t ibang bansa at mga COVID vaccine makers ang pagbibigay ng booster shot para sa mga nakakumpleto na ng bakuna kontra sa nakahahawang sakit.

Napatunayan na mas malakas ang Delta variant upang labanan ang depensang ibinibigay ng mga bakuna kumpara sa iba pang variant ng COVID-19 katulad ng Alpha, Beta at Gamma.

Sa kabila nito, nananatiling epektibo at nababawasan pa rin ng COVID-19 vaccine ang tsansa ng severe illness ng Delta variant na nagreresulta rin ng mas maliit na tsansa ng pagka-ospital.

“Our message is: Don’t freak out, the plan remains the same: Speed up the administration of a third booster shot,” pahayag ni BioNTech co-founder Ugur Sahin. RNT