Delta variants sa CALABARZON ‘di local transmissions

Delta variants sa CALABARZON ‘di local transmissions

July 23, 2021 @ 6:08 PM 5 months ago


CALABARZON – Nilinaw ng Department of Health (DOH) – Region 4-A (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon)  na ang iniulat na limang kaso ng Delta variant sa rehiyon ay pawang mga local cases lamang at hindi local transmissions.

Ipinahayag ni DOH Regional Director Eduardo Janairo na tatlo umano mula sa limang kaso ay mga OFW na balik-bayan at ngayon ay negative na sa virus. Ang dalawa pa rito ay ulat mula sa National Epidemiology Center kung saan ang dalawa ay galing sa lungsod ng Cavite at Batangas.

“These three cases were not from the community where they reside, but they were actually OFWs and two were from the Middle East who eventually went to their place of residence after their being quarantined and they were already confirmed negative of the virus,” paliwanang ni  Janairo.

Mag-ama ang tinukoy na mga balik-bayan, isang 58-anyos at 29-anyos na mula sa Calamba City, Laguna. 

Kasalukuyang nagsasagawa contact-tracing ang Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) at nakikipag-ugnayan sila sa lokal na pamahalaan ng Calamba City upang ma-imbestigahan kung paano nakuha ng dalawang OFWs ang virus.

“Nagmeeting na sila with local government at may mga contact tracing na ngang ginagawa sa ngayon, dahil initially ang exposure ay sa 3 tao ‘yung katulong, ‘yung household helper, ‘yung isa pang kapatid at may isa pang kasambahay doon na na-expose pero mga negative naman sila raw,” pahayag ni Janairo 

“Importanteng malaman natin kung ilan talaga ang kaso ng Delta variant sa region, paano ito i-contain upang hindi na kumalat at dumami pa ang kaso.” dagdag pa niya.

Nanawagan naman si Janairo sa publiko na huwag mag-panic, sa halip ay magdoble-ingat at makinig sa mga anunsyo at alituntunin ng mga lokal na pamahalaan upang makaiwas sa pagkahawa sa virus.

“Nananawagan din po ako sa mga residente na kasama sa priority list at hindi pa nabakunahan na magpalista na upang makatanggap ng bakuna laban sa covid dahil ito ay magsisilbing dagdag proteksyon laban sa covid virus,” dagdag na pahayag ni Janairo. RNT/Ethel Mangao -trainee/Jocelyn Tabangcura-Domenden