Demand sa itlog bumaba sa kakapusan ng badyet

Demand sa itlog bumaba sa kakapusan ng badyet

October 7, 2022 @ 12:44 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Bumaba ang presyo ng itlog sa merkado bunsod ng mababang demand ng mga mamimili rito.

Sinabi ng poultry group ngayong Biyernes na ang mababang demand ay bunsod ng kakapusan ng badyet ng mga mamimili sa itlog kaya naman bumaba rin ang demand nito dahilan para bumaba ang farm gate price na alok ng mga produser.

Kapag ang mga stock sa mga pamilihan ay mabagal na gumagalaw, ang mga nagtitinda ay walang pagpipilian kundi ang taasan ang mga presyo ng itlog upang mapunan ang mga pagkalugi, na nag-uudyok sa mga prodyuser na babaan ang mga gate farm price upang maibenta, paliwanag ni Philippine Egg Board Association chairman Gregorio San Diego. Teleradyo.

Sa ngayon, pumapatak ang medium na presyo ng itlog sa P5.50 hanggang P5.70 kada piraso mula sa P6.20, ani San Diego.

“Ang problema natin ngayon hindi na supply eh, ang problema natin ngayon demand… Yung itlog eh pinakamurang source ng protina yan eh pero iniinda pa rin ng tao ang presyo,” giit pa niya.

“Yun ang sinasabi namin sa DA noon pa. Wag niyo intindihin ang supply, ang tulungan niya kami sa demand kasi kakaunti yung namimili. Walang pambili,” dagdag pa nito.

Sinabi ng mga analyst na habang tumataas ang inflation, mas kaunting biyahe ang mga mamimili sa mga pamilihan.

Matatandaang pumatak ang inflationsa 6.9 porsyento noong Setyembre, na lampas sa target ng gobyerno na 2 hanggang 4 na porsyento. RNT