Demi Lovato, overdosed, sinugod sa ospital!

Demi Lovato, overdosed, sinugod sa ospital!

July 25, 2018 @ 9:48 AM 5 years ago


 

Los Angeles – Isinugod sa Los Angeles hospital ang Pop star na si Demi Lovato kahapon (July 24) dahil overdosed umano ang singer, ayon sa ulat.

Bukas ang singer, 25-anyos, sa kaniyang bisyo ng pag-inom at pagamit ng cocaine. Hindi naman nagbigay ng pahayag ang kampo ni Lovato sa insidente ngunit ayon sa isang hindi kinilalang source ng People magazine, si Lovato umano ay “okay and stable.”

Natagpuan si Lovato na walang malay sa kaniyang tahanan at binigyan ng Narcan, isang emergency treatment para sa mga hinihinalang opioid at drug overdose.

Sabi rin ng Los Angeles police, tumugon sila sa isang medical emergency noong Martes na kinasasangkutan ng isang babae sa Hollywood Hills street kung saan naiulat na nakatira si Lovato, ngunit tumangging pangalanan ang inidibidwal.

Unang nakilala si Lovato sa Disney Channel shows na “Camp Rock” at “Sonny with a Chance”, sampung taon na ang nakakalipas na sinundan ng kanyang pop career sa mga kantang “Skyscraper” at”Sorry Not Sorry.”

Noong 2017, sa isang YouTube documentary na “Simply Complicated,” nagsalita si Lovato tungkol sa kaniyang pinagdadaanang eating disorders, bisyo sa alak at paggamit ng droga. Sinabi rin niya na nagsimula siyang gumamit ng cocaine noong siya ay 17-anyos pa lang.

Pumasok din siya sa rehab noong siya ay 18-anyos kung saan siya ay na-diagnose sa bipolar disorder.

Si Lovato ay mayroong 69 million followers sa Instagram at kasalukuyang nasa US tour at nakatakdang mag-perform sa in Atlantic City, New Jersey, sa bukas (July 26).

Naging usap-usapan sa social media ang kalagayan ng singer kung saan nagpahayag ng suporta ang mga fans at iba pang celebrity.

Ayon sa tweet ni Country singer Brad Paisley, “Addiction is a terrible disease. There is no one more honest or brave than this woman.” (Remate News Team)