Demographic partnership ng PH-Japan, isulong – Dominguez

Demographic partnership ng PH-Japan, isulong – Dominguez

May 3, 2022 @ 9:38 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sa dami ng mga industriyang nagbubukas ngayon sa mga naglalakihang foreign investor, hinikayat ni Finance Secretary Carlos Dominguez III ang tinatawag na “demographic partnership” sa pagitan ng Pilipinas at Japan.

Sa pamamagitan ng demographic partnership, sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na ang ibig sabihin nito ay “Japan will provide the research, technology, and resources, while the Philippines will do the marketing and manufacturing side by lending the skills of its young, talented workforce to this envisioned new era of economic cooperation between the two countries.”

Ang nasabing panukala ay muling idinulog ni Dominguez kay Japanese Foreign Affairs Minister Yoshimasa Hayashi nang magkita ang mga ito sa Tokyo noong nakaraang linggo, sinabi ng Department of Finance (DOF) sa isang kalatas, araw ng Lunes, Mayo 2.

Nauna nang ipinanukala ni Dominguez ang kahalintulad na hangarin nito kay Japan Finance Minister Shunichi Suzuki nang magkita ang mga ito sa sidelines ng World Bank-International Monetary Bank (WB-IMF) spring meetings sa Washington noong nakaraang buwan.

Para kay Dominguez, ang panukalang partnership ay makatutulong sa dalawang bansa sakali’t mag-spillover ang epekto ng kampanya ni Russian President Vladimir Putin na wasakin ang Ukraine pagdating sa global economy “for the long term.”

Sinabi ni Dominguez kay Hayashi na “a demographic partnership between the two nations was “more feasible with the recent enactment of three Philippine laws that further liberalized the economy and opened-wide the country to foreign investors.”

Tinukoy nito ang kamakailan lamang na inaprubahang amiyenda sa nakalipas na “antiquated laws” hinggil sa foreign investments, public services, at retail trade liberalization, na matatandaang ni-lobby ng mga economic managers ni Pangulong Duterte bilang kapalit ng pag-amiyenda sa foreign ownership restrictions na nakapaloob sa 1987 Constitution.

“These laws opened up the airline, media, retail, private transportation, renewable energy, as well as telecommunications sectors, among others, to more foreign capital,” ayon kay Dominguez.

Sa panig naman ng Japan, sinabi ni Hayashi kay Dominguez na layon ng Japanese government na “continue strengthening its cooperation with the Philippines, especially on infrastructure development.”

Sa kasalukuyan, ang Japan ang nagpi-finance sa pamamagitan ng low-interest, concessional loans sa pagtatayo ng “Philippines’ first subway system, bilang ng long-haul railway projects, at maging ng iba pang big-ticket infrastructure na suportado ang ambisyosong “Build, Build, Build” program ng administrasyong Duterte.

“Japan was the Philippines’ top official development assistance (ODA) partner, with loans and grants totaling $10.4 billion or nearly two-fifths of the total ODA portfolio as of mid-2021,” ayon sa DOF. Kris Jose