LandBank magpapahiram ng P50K sa mga stude pambili ng gadgets sa pag-aaral

March 3, 2021 @7:50 PM
Views:
46
Manila, Philippines – Pinalawig pa ng Land Bank of the Philippines ang kanilang direct loan program para sa mga estudyante na hanggang P50,000 para sa pagbili ng electronic gadgets tulad ng laptops, desktops, o tablets para sa online learning.
Kasama sa expanded program ang maximum loanable amount naP150,000 bawat estudyante at P300,000 sa bawat parent-borrower para sa tuition at enrollment-related fees sa ilalim ng Interim Students’ Loan for Tuitions towards Upliftment of Education for the Development of the Youth (I-STUDY) Program.
“LandBank recognizes the need to support students in adapting to distance learning modalities,” lahad ni president and chief executive officer Cecilia Borromeo.
“While we await the resumption of in-person classes, we hope that the I-STUDY Program can help students cover the financial requirements to purchases needed learning equipment and participate in online classes.”
Kasama na rin dito ang scholar students na ang scholarships ay hindi sakop ng tuition fees maging ang non-scholar students mula sa private pre-school, primary, at secondary schools. RNT/FGDC
Pinoy, 2 Nigerian sa Las Piñas tiklo sa online fraud

March 3, 2021 @7:26 PM
Views:
50
Manila, Philippines – Naaresto ng anti-cybercrime authorities mula sa Philippine National Police (PNP) ang dalawang Nigerian nationals at isang Pilipino dahil sa online fraud at swindling.
Kinilala ang mga suspek na sina Evans Amara Okeke, Chidiebere Junior Ezema, at Judy Ann Japitana.
Tinukoy naman ang biktimang si Ellen Briones, 64-anyos na nakapagpadala ng ilang P3.23 milyon sa pamamagitan ng money transfer sa isang Evans Amara Okeke.
Sinabi ni PNP Chief Police General Debold Sinas na nakausap ni Briones si Okeke, at nagpakilala bilang “engineer Michael Gerald,” na nakilala sa online hanggang sa naging magkarelasyon.
Isinilbi ang search warrant sa kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012 sa mga suspek sa Las Piñas City.
Kasalukuyan silang nasa Cyber Financial Crime Unit sa PNP Anti-Cybercrime Group Custodial Facility sa Camp Crame para sa dokumentasyon at pagsasampa ng kaso.
“Our cybercops are going after perpetrators of online fraud and scams and will arrest cyber criminals who are involved in online illegal activities that may cause harm, confusion, and panic among our people,” ani Sinas. RNT/FGDC
Manila health workers na naturukan vs COVID ‘di nakaranas ng side effects

March 3, 2021 @6:28 PM
Views:
28
Manila, Philippines – Wala namang naranasang side effects sa mga naturukang health workers ng Manila city government na nabakunahan ng COVID-19 vaccine mula sa Sinovac.
“After jogging, and it’s been 24 hours after my Sinovac vaccination. #feelgood,” saad ni Vice Mayor Dr. Pangan sa Manila Bulletin.
Maswerte aniya siya na nakatanggap ng bakuna na magsisilbing proteksyon para sa kanya sa gitna ng pandemya.
“So, getting vaccinated yesterday was a big sigh of relief for me because I get the protection I need for myself and for my family.”
Sa datos kaninang 12 ng tanghali, March 3 may kabuuang 382 healthcare workers na ng Manila city government ang naturukan ng CoronaVac vaccine. RNT/FGDC
Abante: Resulta muna ng NBI probe sa PNP-PDEA shootout bago ang House inquiry

March 3, 2021 @6:13 PM
Views:
37
Manila, Philippines – Iginiit ni Deputy Speaker Bienvenido Abante Jr. na dapat munang tapusin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang imbestigasyon bago simulan ng Kamara ang diskusyon sa naganap na shootout sa pagitan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agents at pulis mula Quezon City Police Department.
“Legislative inquiries will always benefit from more accurate and reliable information, and we are hopeful that the NBI can obtain these so we can have a more productive inquiry into the shootout,” saad ni Abante.
“Having a third party look into the incident will, in my view, allow for an objective ascertainment and assessment of the facts and prevent a ‘he said, he said’ scenario between the two agencies involved.”
Nauna ngang ipinaantala ni Duterte sa Kongreso ang kanilang imbestigasyon at sinabing ipaubaya muna sa NBI.
“The investigation and succeeding inquiries…should pave the way for reforms and actions that will allow the PNP and PDEA to better execute their operations,” lahad pa ni Abante.
“This is important especially in light of the passage of HB 7814, or amendments to the Comprehensive Dangerous Drugs Act, which the House approved on final reading last night.” RNT/FGDC
Mga Pinoy hinikayat na magpabakuna laban na rin sa bagong COVID variants

March 3, 2021 @5:55 PM
Views:
42