DEMONYONG DROGA, HUMAN RIGHTS AT ICC

DEMONYONG DROGA, HUMAN RIGHTS AT ICC

March 2, 2023 @ 12:58 AM 3 weeks ago


NITONG nagdaang ilang araw lamang, pinatay ng anak na si Alfie Ocampo, 36, ang kanyang inang si Lucilyn Ocampo, 63, saka tinangay ang P100,000 hawak ng huli sa Naguilian, Isabela.

Ayon sa pulisya, 13 taong nagtrabaho sa Kamaynilaan itong si Alfie at nang maistambay, umuwi sa kanila para lang isagawa ang kambal na krimen dahil lulong sa droga.

Sa P100,000, may pambili na ng droga at pantustos sa buhay-adik niya si Alfie!
Nagtatago si Alfie at sana ibulong ng mga “marites” sa mga awtoridad kung nasaan siya para mapanagot sa mga krimen niya.

Dito natin naalaala, mga brad, ang maraming kasong nagdaan na patayan sa loob ng pamilya dahil sa droga.

April 2022 nang masakerin naman ni Dexter Lichauco ang pinsan nitong si Crystalene Ogaco Morante at mga anak nitong sina Ashley, 10 at Jacob, 6, sa San Quintin, Pangasinan.

Noong una, hindi pagpapautang sa kanya ang dahilan ni Lichauco sa pagmasaker ngunit sa huli, umamin itong lulong siya sa droga nang gawin ang pananaksak at pagpatay.

Pinatay naman ng ina, 30, ang sarili niyang anak, 5, sa pamamagitan nang pagtakip ng unan sa mukha ng bata at pananaksak ng gunting ng 26 beses sa isa pang anak nitong 11-anyos.

Bago naganap ito, magdamag na nagdroga ang ina na ang gastos sa pagbili ay ang padala ng kanyang mister na nagtatrabaho sa Dubai bilang tsuper.

Naganap ito noong Oktubre 2019.

Dito naalala ng Lupa’t Langit ang pagparito sa Pinas ng ilang miyembro ng Committee on Human Rights ng European Union Parliament at iginiit nilang imbestigahan ng International Criminal Court si dating Pangulong Rodrigo ” Digong” Duterte dahil marami umano ang napatay sa ilalim ng giyera sa droga nito.

Kasama ba sa konsiderasyon nila at ng ICC ang nabanggit nating mga krimen kaugnay ng droga?